Saturday, May 11, 2013

#20. Happy mama day!


Una, Happy mother's day sa lahat ng ina na makakabasa at di makakabasa nito. I want to dedicate this blog to my mother dearest! :) Loveyou ma!

Ah, nanay, ina, nay, mama, mommy, mom, etc. Paano mo ba mapapasalamatan ng lubos ang nanay mo sa lahat ng ginawa niyang mabuti para sayo? Anyway, isang taon na ang nakalipas nang huli akong magblog about sa mga ilaw ng tahanan. Ngayon, (para maiba naman), itong blog na ito ay pahihintulutan kayong mag-isip kung paano kayo magbibigay pasalamat sa kanila.

Sa katunayan niyan mga readers, hindi kasi talaga nanghihingi ng anumang kapalit ang mga magulang sa lahat ng ginawa niya para sayo. Hindi mo kelangang magbigay ng mga material na bagay para masuklian. Hindi ko naman sinabing bawal kang magbigay ng gift, pero in reality hindi talaga. 

Hindi kasi madali sa mga nanay ang magpalaki ng anak. Actually, ang laki ng responsibility ng isang nanay kasama ng tatay. Pero sa totoo lang, babae talaga ang mas lamang. Kaya bilang ganti, kunin niyo lang ang isang minuto para masabi sa mama niyo o kahit sa tatay niyo kung gaano niyo sila kamahal at ang inyong malaking pasasalamat para sa kanila. Yun lang masaya na sila. Yun lang nabawi na nila at nasuklian mo na ang mga ginawa nila para sayo. Kung nag-aaral ka naman, sapat na yung kahit na wala kang medal pero nag-aaral ka ng mabuti. Yung kahit na nagbibigay ka ng sakit ng ulo kaya mo pa rin sabihing "Gagraduate ako''. Hindi mo lang naman yan tagumpay, tagumpay yan ng mga magulang mo.

"Walang ibang hangad ang magulang kundi ang mapabuti ang anak''. Lagi ko itong naririnig sa mama ko. Ako yung tipo ng anak na hindi man ako masipag sa bahay, masipag akong mag-aral. Kahit na hindi ako masyadong nakakarinig ng papuri kay mama kapag nakakatanggap ako ng award sa school o kahit na yung mga kapatid ko ang lagi niyang napapansin, alam ko naman  sa sarili ko na proud sya sakin kahit hindi niya na sabihin. Sabi niya nga sakin diba na walang ibang hinangad ang magulang kundi ang makakabuti sa anak, kaya wala akong naging bisyo. Wala akong bagsak, matataas ang grades ko, marunong akong makaramdam sa sitwasyon, kapag sinabing bawal, BAWAL! Sa tingin ko, sapat na yung ganti sa ngayon. Sa tingin ko hindi ko naman kelangan gayahin ang mga kapatid ko sa mga gingawa nila para kay mama. Dahil alam ko naman ang tunay na pagmamahal. Lagi kong pinagdarasal ang mama ko, kasi sa totoo lang, hindi ko talaga kayang mawala sya. Gusto ko ako muna bago siya. Mahal na mahal ko ang mama ko. Kahit na minsan nawawalan ako ng kontrol sa sinasabi ko atleast iba na ako ngayon, hindi na ako masyado nangangatwiran kasi kabisado ko na sya eh. Kung meron pa ako ulit isa pang pagkakataon para mabuhay muli sa ibang pagkatao, gusto ko siya pa rin ang mama ko. Kahit maraming problema kahit na minsan nagkakautang utang kami, walang iwanan. Nga pala, si mama ko pala yung nanay na tatay pa namin. Kaya masasabi ko talagang "THE BEST YUNG MAMA KO!" Tumanda kami ng ganito na walang kasamang tatay pero nandyan yung mama ko para samahan kami sa araw-araw! 


Minsan, dumarating ka sa puntong nararamdaman mong wala kang halaga sa mama mo. Well, sasabihin ko sayo. Kung wala kang halaga, sana noon pa lang hindi ka na niya naipanganak pa, ang sarap kayang mabuhay sa mundo. Ang sarap, sarap! Kaya malaking pasasalamat ko sa Diyos at dapat kayo rin na may mga magulang kayong nagsakripisyo para sa inyo. Tandaan niyo, nasa sampung utos ng Diyos ang pagrespeto sa magulang. Hindi mo alam kelan sya mawawala, kaya hangga't may oras pa, ibigay mo na yung quality time na nararapat para sa kanya. Sabihin mo lang gano mo sya kamahal, at sabihin mong ''Ma, salamat sa lahat.'', yun pa lang, bawing bawi ka na. 

Grab this oppurtunity, i challenge you. Say ''I love you'' to your mother when you read it. 

Love your moms. Thanks for readimg!! Happy mother's day mothers out there!!

Tuesday, December 4, 2012

A mother's special.


A mother's special.

Isang pagpupugay ang inilalaan para sa mga nagsisilbing ILAW NG TAHANAN, ang mga ina. Nanay, inay, ina, mama, mom, mommy, ma, mudang, mudrax o kahit ano pa man ang tawag natin sa kanila, HAPPY MOTHER's DAY!


Sa tingin ko? Ang pagiging isang ina ang pinakamahirap na trabaho sa mundo. Simula ng dinala nila tayo sa kanilang mga sinapupunan hanggang sa tayo ay ipanganak, mula ng tayo ay ipanganak hanggang sa tayo ay makapaglakad, simula ng tayo ay makapaglakad hanggang sa tayo ay maayos na nakapagsalita, mula ng tayo ay nakapagsalita hanggang sa tayo ay matutong bumasa at sumulat, mula ng tayo ay matuto hanggang sa tayo ay tuluyan ng mamulat sa mundong ginagalawan. Nang tayo ay mamulat , alam ko at alam mo rin na andyan lamang sila para sa atin. Nandyan sila para gabayan, turuan at mahalin tayo. Si nanay... Si nanay lang ang kayang magmahal sa atin ng WALANG HINIHINGING KAPALIT. Kahit na minsan napapagalitan ka ng nanay mo, napapalo ka, nasasaktan ka sa mga sinasabi nila, o nararamdaman mong ang loob nila ay malayo sayo, MAHAL NA MAHAL ka pa rin nila. Alam mo kung bakit? Mabubuhay ka ba ng ganyan katagal kung hindi ka mahal ng nanay mo? Isa pa, wala ka sa mundong 'to kung hindi ka mahal ng nanay mo. Si nanay... Si nanay, Si nanay ang pinakamahalagang babae na may MALAKI tayong PAGKAKAUTANG, dahil biologically speaking, UTANG natin sakanila ang ating mga buhay. Si nanay lang ang babaeng gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Andyan 'yung ultimo kahit na magtinda sila ng basahan sa kalsada, gagawin nila, mabuhay lang nila ang kanilang mga anak, tayo, ako, sila, kami, at lahat ng nanay makakaya nilang lahat yan basta para sa kanilang mga anak. Si nanay, si nanay ang lang ang masasandalan natin sa lahat ng bagay, kung masaya ka? Sabihin mo sa kanya, dahil sigurado masaya rin siya para sayo. Kung malungkot ka naman, sabihin mong malungkot ka, dahil ang nanay ay handa laging dumamay sayo. Kung inlove ka, wag na wag kang magalinlangan na ipaalam sa kanya, dahil hangad niya ang mas makakabuti sayo at 'yun naman ang nararapat. Di ba nga "MOTHER KNOWS BEST!" Wala naman silang ibang hinangad sa kanilang mga anak kundi ang makakabuti para sa kanila, sa'kin, sa atin.

Kaya mga anak, IKAW! AKO! TAYO! Kahit hindi mo sabihin alam kong ang nanay mo ay nailarawan ko. Ganyan kasi ang trabaho ng isang nanay. So, ano naman ang trabaho ng isang anak? Dahil mother's special itong BLOG ko, magiging general nalang ako. Para kasi sa akin, isang MODELO o HUWARAN ang ating mga nanay kaya ang dapat lang na iganti nating mga anak sa kanila ay ang "Mahalin sila, alagaan at gantihan ang lahat lahat lahat ng kanilang mga HIRAP para lang sa atin. Simple pero makahulugan. Hindi ka pinipilit na gumanti sa mga kabutihang dulot ng nanay mo sa iyo. Ang sakin lang kasi, hindi natin alam kung kelan matatapos ang mundo at syempre ang buhay natin dito sa ating mundo. Kaya kung ako sayo? Kunin mo ang oportunidad araw-araw para sultin at iparamdam sa kanya ang lahat ng pagpapasalamat mo sa kanya. 'Pag naramdaman nila 'yun , sigurado akong MASAYANG MASAYA siya at hindi sya nagsisisi na ipinanganak ka niya sa mundong ito kahit hindi mo masabing "Ma, Thank You and I Love You. :)

HAPPY MOTHER's DAY to all the MOTHER's OUT there! Para sakin, KAYO ANG TUNAY NA SUPERHERO! <3


Blogger: Katrin Joy Cielo

Accounts:
Facebook= www.facebook.com/kjcielo
Twitter= @keytreyn
Youtube= katrinjoycielo
Google+=katrinjoycielo
Tumblr=cantstandalone29.tumblr.com
Skype=kycielo

ADD and SUBSCRIBE!